Naganap kaninang umaga, Miyerkules, ika-9 ng Agosto 2017, ang magnitude 6.6 na lindol sa Jinghe County, Xinjiang Uyghur Autonomous Region sa hilagang kanlurang bahagi ng Tsina. Ayon sa inisyal na estadistika kaninang tanghali, 32 katao ang sugatan, at kabilang dito, 2 ang nasa grabeng kalagayan.
Pagkaraang maganap ang lindol, ipinatalastas ng China National Commission for Disaster Reduction at Ministri ng Suliraning Sibil ng Tsina, ang level-4 emergency response, at ipinadala ang working group sa nilindol na lugar, para suriin ang kalagayan, at isagawa ang relief works.
Salin: Liu Kai