Jiuzhaigou county, lalawigang Sichuan, Tsina-Isang magnitude 7 na lindol ang naganap alas nuwebe desi nuwebe, kagabi, Agosto 8, 2017. Ang episentro ng naturang lindol ay matatagpuan, 20 kilometro ang lalim sa naturang lugar. Hanggang alas onse'y trenta, kagabi, 5 katao ang naitalang nasawi at 70 iba pa ang nasugatan.
Pagkaraang maganap ang lindol, agarang ipinag-utos ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang buong lakas na paggamot sa mga nasugatan, para mabawasan, hangga't maari, ang kasuwalti ng lindol.
Nang araw ring iyon, iniutos din ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang isinagawang pagsisiyasat ng mga may-kinalamang departamento sa kalagayan ng kalamidad, at ang maayos na paglikas ng mga mamamayan mula sa purok-kalamidad.
Samantala, nagsadya sa purok-kalamidad ang isang work group ng Konseho ng Estado ng Tsina, para magbigay-patnubay sa rescue works.