|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon, Agosto 8, 2017, ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nagiging pinakamahalaga ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea. Hindi aniya inaasahan ng Pilipinas ang pag-iral muli ng hidwaan sa nasabing karagatan. Bilang tugon sa inilabas na pahayag kamakailan ng Amerika, Hapon, at Australia tungkol sa isyu ng South China Sea, sinabi ni Sec. Cayetano na ang Pilipinas ay isang soberanong bansa, at hindi nararapat na sabihan ito ng ibang bansa kung ano ang dapat gawin.
Ayon sa magkakasanib na komunike na inilabas ng ASEAN Foreign Ministers' Meeting nitong Linggo, ang paglaki ng kabuhayang Tsino ay makakabuti sa ASEAN, at nagiging mas mahalaga ang ginagawang papel ng Tsina sa rehiyong ito.
Tungkol dito, ipinahayag kahapon ni Cayetano na ang Tsina ay nagsisilbing puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko. Hindi aniya dapat maapektuhan ng South China Sea dispute ang ibinibigay na positibong papel ng Tsina sa rehiyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |