Sa isang economic forum, ipinahayag kahapon, Agosto 8, 2017, ni Malaysian Prime Minister Najib Tun Razak na mapapasulong ng malaki ng "Belt and Road" Initiative ang kabuhayang panrehiyon, at makakalikha pa ito ng mga bagong pagkakataon sa kalakalan at pamumuhunan.
Ipinahayag niya na nilagdaan na ng Malaysia at Tsina ang isang serye ng kasunduang pangkooperasyon. Ang Tsina ay kasalukuyang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, at walang dahilan para sa Malaysia na tanggihan ang pamumuhunan mula sa Tsina, aniya pa.
Salin: Li Feng