|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Mayo 13, 2017, kay Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na kalahok sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Malaysia. Hinahangaan niya ang aktibong pakikitungo ng panig Malay sa inisyatibo ng "Belt and Road," at nakahanda itong palalimin ang estratehikong pakikipag-ugnayan sa panig Malay upang magkasamang maisakatuparan ang iba't-ibang pagkakasundong narating ng dalawang panig.
Umaasa rin ang Premyer Tsino na bilang mahalagang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), patuloy na mapapatingkad ng Malaysia ang konstruktibong papel upang mapasulong ang relasyong Sino-ASEAN.
Ipinahayag naman ni Najib na sa ngayo'y nasa pinakamainam na lebel ang relasyong Malay-Sino. Maalwan aniyang isinusulong ang mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig. Nakahanda ang Malaysia na gumawa ng positibong pagsisikap para mapasulong ang relasyong ASEAN-Sino, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |