Tinukoy kahapon, Disyembre 15, 2015 sa Kuala Lumpur ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na ang kanyang bansa ay gaganap ng mahalagang papel sa "Belt and Road" initiative na itinataguyod ng Tsina para sa komong kaunlaran.
Ipinahayag niya ito sa porum ng "21st-Century Maritime Silk Road." Aniya, ang Malaysia ay nasa Strait of Malacca, isa sa mga pinakabising komersyal na linya sa daigdig, at isang mahalagang elementong nagpapasulong ng pag-unlad ng Malaysia ay transportasyon sa puwerto at industriyang pandagat. Kaya, ang kanyang bansa aniya ay gaganap ng mahalagang papel sa "Belt and Road" initiative.
Dagdag pa niya, ang Port Swettenham, pinakamahalagang puwerto ng Malaysia at mga port ng Tsina na gaya ng Ningbo, Dalian, Shanghai, Xiamen at iba pa ay naging "sister ports." Umaasa siyang susundan ang yapak ng Swettenham, at lalagdaan ng iba pang 16 na puwerto ng Malaysia ang mga pangkooperasyong memorandum sa mga puwerto ng Tsina, at nang sa gayo'y, sila'y makinabang sa "Belt and Road" initiative.
salin:wle