|
||||||||
|
||
Sa Ika-11 Conference on ASEAN-China People-to-People Friendship na kasalukuyang ginaganap sa Cambodia, nilagdaan kahapon, Agosto 8, 2017, ng Samahan ng Pagkakaibigang Kambodyano-Sino at Samahan ng Pagkakaibigan sa mga Dayuhang Bansa ng Chongqing, Tsina, ang "Kasunduan ng Mapagkaibigang Pagpapalitan" kung saan tiniyak ang komong direksyon ng kanilang pagtutulungan at pagpapalitan sa hinaharap.
Ipinahayag ng dalawang panig ang pag-asang sa konstruksyon ng "Belt and Road," mapapalalim ang relasyong pangkooperasyon sa pagitan ng Cambodia at Chongqing.
Binuksan Agosto 7, 2017, sa Siem Reap, Kambodya, ang nasabing komperensya. Layon nitong palakasin ang pagkakaibigang ASEAN-Sino, isulong ang pag-aaral sa isa't-isa, pag-unlad, at makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |