|
||||||||
|
||
Sinabi Linggo, Hulyo 2, 2017 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na matinding probokasyong pulitikal at militar ang pagpasok ng US Missile Destroyer Stethem sa karagatan ng Tsina sa Xisha Islands, South China Sea.
Sa pagpasok nang araw ring iyon ng missile destroyer USS Stethem sa nasabing karagatan, agarang nagpadala ng mga sasakyang militar at fighter planes ang Tsina para balaan at palabasin ang missile destroyer ng Amerika sa teritoryo ng Tsina , dagdag ni Lu.
Ayon naman sa panig Amerikano, ginawa ang nasabing aksyon alinsunod sa kalayaan sa nabigasyon.
Bilang tugon, sinabi ni Lu na ang nasabing aksyon ng panig Amerikano ay labag sa mga batas ng Tsina.
Ipinagdiinan ni Lu na batay sa Law of the People's Republic of China on the Territorial Sea and the Contiguous Zone, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang baseline ng karagatan ng Xisha noong 1996. Itinatadhana rin aniya ng may kinalamang batas ng Tsina ang hinggil sa pagpasok ng mga sasakyang militar na dayuhan sa teritoryong pandagat ng Tsina.
Hiniling ni Lu sa panig Amerikano na itigil kaagad ang ganitong panghihimasok sa soberanya ng Tsina.
Idinagdag pa ni Lu na salamat sa pagsisikap ng Tsina at mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), lumamig at bumubuti ang kalagayan sa South China Sea. Pero, taliwas dito ang nasabing aksyon ng missile destroyer ng Amerika.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |