|
||||||||
|
||
Isang tao ang nasawi at tatlumpu't apat (34) ang nasugatan Sabado, Agosto 12, 2017 sa mga marahas na insidente sa lunsod ng Charlottesville, Virginia State ng Amerika. Ang naturang mga insidente ay nagdulot ng mga malaking demonstrasyon sa naturang lunsod.
Sapul noong gabi ng ika-11 ng Agosto, ilang libong tao ang nagprotesta sa Charlottesville dahil sa kapasiyahan ng pamahalaang lokal na ilipat ang isang estatuwa ni Robert Edward Lee, sikat na heneral noong panahon ng Civil War ng Amerika.
Samantala, noong ika-12 ng buwang ito, nagdemonstrasyon din ang ibang tao bilang pagsalungat sa naunang mga demonstrador. Dahil dito, nagsagupaan ang naturang dalawang grupo na nagresulta sa pagkasugat ng 15 katao.
Pagkatapos, ipinatalastas, tanghali ng ika-12 ng Agosto ng pamahalaang lokal ang state of emergency.
Matapos ipatalastas ang state of emergency, isang kotse ay bumangga sa mga demonstrador na nagresulta sa pagkasawi ng isang tao at pagkasugat ng 19 na iba pa.
Nang araw ring iyon, kinondena ni Pangulong Donald Trump ang naturang marahas na insidente.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |