|
||||||||
|
||
Kinumpirma kahapon, Agosto 9, 2017, ni Heather Nauert, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na noong nagdaang Mayo, pinalayas ng kanyang bansa ang dalawang diplomatang Cuban sa Amerika.
Ayon kay Nauert, isinumite noong katapusan ng nagdaang taon ng Embahadang Amerikano sa Cuba ang ulat kung saan nakasaad, na dahil sa ilang "di-malinaw na pangyayari," lumitaw ang di-normal na kalagayan sa katawan ng ilang diplomatang Amerikano sa Cuba, at kailangan nilang bumalik sa Amerika upang magpagamot.
Ngunit, ayaw niyang isiwalat ang kaukulang impormasyon ng nasabing insidente. Itinanggi rin niya na ang pagpapalayas sa mga diplomatang Cuban ay isang "diplomatic equivalence treatment."
Dagdag pa niya, may obligasyon at responsibilidad ang pamahalaang Cuban sa paggagarantiya sa seguridad ng mga diplomatang Amerikano sa Cuba.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |