Nanawagan kahapon, Biyernes, ika-11 ng Agosto 2017, si Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya, sa Amerika at Hilagang Korea, na magbigayan para iwasan ang sagupaan.
Sinabi ni Lavrov, na kapwa naglabas kamakailan ang Amerika at H.Korea ng mga matigas na pananalita, at nagdulot ito ng pagkabalisa ng ibang panig sa kalagayan sa Korean Peninsula.
Dagdag ni Lavrov, ang kasalukuyang tensyon sa Korean Peninsula ay hindi dapat maging grabeng sagupaang magdudulot ng malaking kasuwalti. Nanawagan siya sa Amerika, na itigil ang mga pagsasanay militar sa Korean Peninsula, at sa H.Korea naman, na itigil ang pagdedebelop ng sandatang nuklear.
Salin: Liu Kai