Ayon sa ulat kahapon, Biyernes, ika-4 ng Agosto, 2017, ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, pormal na isinumite ng bansang ito sa United Nations ang "letter of intent" hinggil sa pag-urong sa Paris Agreement sa pagbabago ng klima.
Sinabi ng panig Amerikano, na ang aksyong ito ay batay sa desisyong ipinatalastas noong June 1 ng taong ito, ni Pangulong Donald Trump hinggil sa pag-urong ng Amerika sa Paris Agreement. Anito pa, sa susunod na yugto, isasakatuparan, sa lalong madaling panahon, ng Amerika ang pag-urong sa kasunduang ito, alinsunod sa mga regulasyon nito.
Samantala, sinipi rin ng Kagawaran ng Estado ang sinabi ni Trump, na kung ilalakip sa Paris Agreement ang mga artikulong lalo pang paborable sa Amerika, at mga bahay-kalakal, manggagawa, mamamayan, at taxpayer nito, bukas pa rin siya sa muling paglahok sa kasunduan.
Salin: Liu Kai