Ayon sa datos ng Ministri ng Komersyo ng Myanmar, mula Abril hanggang Hunyo, ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng bansang ito. Ang bolyum ng kalakalan ng dalawang panig ay lumampas sa 2.8 bilyong US dolyares.
Samantala, ang ikalawang pinakamalaking trade partner ng bansang ito ay ASEAN.
Ang mga produktong iniluluwas ng Myanmar sa Tsina ay mga produktong agrikultural, produktong pandagat at produktong panggubat. Ang mga produktong inaangkat naman ng Myanmar mula sa Tsina ay mga pang-araw-araw na kagamitan, electronics at makinarya.
Ayon sa datos ng nasabing departamento, mula 2011 hanggang 2017, sustenableng lumaki ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng dalawang bansa bawat taon.