Ipinahayag ika-15, Agosto, 2017, ni Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika na nakahanda pa rin ang kanyang bansa na makipagdiyalogo sa Hilagang Korea hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Nang araw ring iyon, sinabi ni Tillerson na nakasalalay kay Kim Jong Un, lider ng Hilagang Korea, ang muling pagsisimula o hindi ng nasabing diyalogo.
Tungkol dito, isiniwalat ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na binibigyang pansin ng Tsina ang positibong paghahayag ng Amerika hinggil sa isyu ng Korean Peninsula. Umaasa aniya ang Tsina na isasagawa ng Amerika ang mga patakaran ayon sa nasabing paghahayag. Hihinimok din aniya ng Tsina ang Hilagang Korea na mag-react tungkol dito.
salin: Lele