Nakipagtagpo kamakailan sa Beijing si Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina, kay Luhut Binsar Pandjaitan, Coordinating Minister for Maritime Affairs ng Indonesya at Espesyal na Sugo ng Pangulong Indones.
Ipinahayag ni Zhang, na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng Tsina at Indonesya, lumalalim ang estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa, at mabunga ang pragmatikong kooperasyon. Umaasa aniya ang Tsina, na sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, ibayo pang lalalim, kasama ng Indonesya, ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran, at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Pandjaitan ang kahandaan ng Indonesya, na aktibong lumahok sa "Belt and Road" Initiative, at palawakin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura, at iba pa.
Salin: Liu Kai