Idinaos kahapon, Sabado, ika-15 ng Hulyo 2017, sa Walini, West Java, Indonesya, ang seremonya ng pagsisimula ng proyekto ng Walini Tunnel ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway.
Dumalo sa seremonya si Rini Soemarno, Ministro ng mga Bahay-kalakal na Ari ng Estado ng Indonesya. Sinabi niyang buong lakas na makikipagkoordina sa proyektong ito ang kanyang ministri at mga iba pang may kinalamang departamento ng pamahalaan ng Indonesya, para matapos ito sa loob ng nakatakdang iskedyul ng isang taon.
Sinabi naman sa seremonya ni Zhang Wei, General Manager ng China Railway Engineering Corporation Jakarta-Bandung High-Speed Railway Project, na ang Walini Tunnel ay ang unang tunel sa naturang daambakal na sisimulang itayo. Umaasa aniya siyang ang konstruksyon nito ay magbibigay ng karanasan sa mga proyekto ng ibang tunel ng daambakal.
Salin: Liu Kai