Jakarta, Indonesya-Nag-usap Agosto 9, 2017 sina Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesya at dumadalaw na Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya.
Ipinahayag ng dalawang ministro ang pag-asang hihigpit ang pagtutulungan sa larangang labanan ang terorismo at pangalagaan ang cyber security. Bukod dito, nagpalitan din ang dalawang panig ng palagay hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa pagtutulungang pangkalakalan at pampamumuhunan.
Agosto 8, dumating sa Jakarta si Lavrov para sa kanyang dalawang araw na bisita sa Indonesya. Ang Thailand ay kanyang susunod na destinasyon.