Sa kanyang The State of the Union Address (SONA) sa Parliamento kahapon, Agosto 16, 2017, ipinahayag ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na patuloy na magsisikap ang pamahalaan para matamasa ng bawat Indonesian ang bunga ng pambansang kaunlaran at katarungang panlipunan upang ipagmalaki nila ang pagiging Indonesian.
Sinabi niyang ang pantay na pagbabahagi ng bunga ng pag-unlad ng kabuhayan ay magpapasulong sa pagkakaisa ng mga Indones at magpapalakas sa bansa sa pagharap sa pandaigdigang kompetisyon.
Nanawagan din siya sa iba't ibang sektor ng bansa na magkasamang itatag ang isang makatarungan at pantay na lipunan.
Ayon sa datos na Pambansang Kawanihan ng Estaditika ng Indonesia, hanggang Marso ng taong 2017, ang bilang ng populasyon ng mga mahihirap sa bansang ito ay umabot sa 27.77 milyon, na katumbas ng halos 10.64% ng bilang ng populasyon ng buong bansa .