|
||||||||
|
||
Jakarta, Indonesia—Inutusan kamakailan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ang National Development Planning Agency (Bappenas) na tapusin ang komprehensibong feasibility study hinggil sa paglilipat ng kabisera ng bansa, bago katapusan ng taong 2017.
Ayon kay pangulong Widodo, ang layon ng nasabing plano ay idebelop ang bagong sentrong pangkabuhayan ng bansa.
Sinabi naman ni Bambang Brodjonegoro, puno ng Bappenas na kabilang sa mga elementong pag-aaralan ng kanyang ahensya hinggil sa mga candidate cities ay digri ng kahirapan ng pagkuha ng lupa at pangongolekta ng puhunan, imprastruktura, likas na yaman sa paligid, kakayahan sa pagpigil at paglaban sa kapahamakang dulot ng kalikasan. Pero, hindi niya binanggit ang mga candidate cities.
Ang Jakarta, kabisera ng bansa na matatagpuan sa Java ay may multi-function, na kinabibilangan ng sentro ng pulitika, kabuhayan, lipunan at kultura ng bansa. Matagal nang nagsisilbing sentro ng kaunlaran ng bansa ang Java. Mahigit 60% ng populasyon ng bansa ang naninirahan sa islang ito at dahil dito, ang Java ay islang may pinakamalaking population sa buong daigdig.
Ang dating mga administrasyon ng Indonesia ay nag-usap din hinggil sa posibilidad ng paglilipat ng kabisera.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |