Nag-usap Agosto 15, 2017 sa telepono sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Sigmar Gabriel ng Alemanya. Nagpalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa situwasyon sa Peninsula ng Korea.
Ipinahayag ni Wang na napahupa ang kasalukuyang kalagayan sa Peninsula ng Korea, batay sa magkasamang pagsisikap ng mga may-kinalamang panig. Nagpapatuloy aniya ang Tsina sa mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng peninsula.
Umaasa aniya ang Tsina na mapapatingkad ng Alemanya ang konstruktibong papel sa usaping ito.
Ipinahayag naman ni Sigmar Gabriel na dapat matuto ang mga may-kinalamang panig sa aral ng Europa sa kasaysayan, para maiwasan ang paglala ng situwasyon sa Peninsula ng Korea.
Aniya, positibo ang Alemanya sa konstruktibong papel ng Tsina sa nasabing isyu, at suportado nito ang "double suspension proposal" na iniharap ng Tsina sa pagtitigil ng Hilagang Korea ng nuclear missile activities at pagtitigil ng Amerika at Timog Korea ng ensayong militar. Nakahanda rin aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina at mga may-kinalamang panig para pasulungin ang mapayapang paglutas sa isyung ito.