Mula bukas hanggang ika-30 ng buwang ito, idaraos sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang Ika-29 na Southeast Asian Games (SEA Games). Sa ilalim ng temang "Rising Together" ng palaro, kalahok dito ang mga manlalaro mula sa 11 bansa sa Timog-silangang Asya.
Nauna rito, kinapanayam ng Southeast Asia Broadcasting Center ng China Radio International ang walong manalalaro sa palarong ito, mula sa Myanmar, Kambodya, Laos, Thailand, at Malaysia. At ginawa ang mga short video clip hinggil sa kani-kanilang kuwento.
Mapapanood ninyo ang mga video na ito sa Facebook account ng Serbisyo Filipino, na CRI Filipino Service.
Salin: Liu Kai