|
||||||||
|
||
Pormal na nabuo Huwebes, Agosto 17, 2017, sa probinsyang Louang Namtha, Laos ang International Medical at Rescue Team sa pagitan ng Xishuangbanna ng Tsina at kahilagaan ng Laos. Ito ang unang propesyonal na pangkagipitang puwersang medikal at panaklolo sa dakong hilaga ng Laos na magsasagawa ng mga agarang transnational rescue operation habang nagaganap ang mga biglaang insidenteng gaya ng lindol, at landslide.
Ayon sa panlalawigang ospital sa probinsyang Louang Namtha, noong dati ay kulang sa karanasan ng medisina at panaklolo ang kahilagaan ng bansa. Ipagkakaloob ng nasabing medical at rescue team ang mahalagang garantiyang medikal sa Laos, partikular na dakong hilaga ng bansa.
Napag-alamang ang pagbubuo ng rescue team ay isang bahagi ng proyekto ng konstruksyon ng kooperasyong medikal, pangkalusugan, at pangserbisyo sa purok-hanggahan ng Tsina at Laos.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |