Mula ika-21 hanggang ika-22 ng Agosto, 2017, idinaos sa Chiang Rai ng Thailand ang Porum ng Sustenableng Pag-unlad ng ASEAN, para isakatuparan ang 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN) at pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang porum na ito ay itinaguyod ng Sekretaryat ng ASEAN, Delegasyon ng mga Sugo ng Tsina sa ASEAN, at UN Development Program (UNDP).
Sa porum na ito, sinabi ni Xu Haoliang, Asistenteng Puno ng UNDP, na kinakaharap ng Tsina at mga bansang ASEAN ang hamon ng kahirapan, kaya dapat pahigpitin ng dalawang panig ang mga kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura, edukasyon, at pagsasanay na bokasyonal para tulungan ang pag-unlad ng mga mahirap na lugar.