Sina Aung San Suu Kyi (sa kaliwa) at Li Keqiang (sa kanan)
Isang seremonya ang idinaos Huwebes, Agosto 18, 2016, sa Great Hall of the People, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina bilang mainit na welkam kay Aung San Suu Kyi, bumibiyaheng State Counselor ng Myanmar.
Sa pag-uusap, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na batay sa diwa ng limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan, dapat igiit ang paggagalangan sa isa't-isa, patibayin ang pagtitiwalaang pampulitika, palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa, para mapasulong pa ang relasyon ng Tsina at Myanmar sa bagong panahon.
Salin: Li Feng