|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina-- Isang daa't dalawang (102) metro ang lalim mula sa ibabaw ng lupa ng itinatayong istasyon ng high speed rail sa Badaling Great Wall, Yanqing County ng Beijing. Ang istasyon na tinatayang magiging pinakamalalim sa daigdig, ay matatagpuan sa riles sa pagitan ng Beijing at Zhangjiakou, lunsod sa lalawigang Hebei.
Ang Zhangjiakou ay lugar na pagdarausan ng 2022 Winter Olympic Games.
Nakatakdang matapos ang konstruksyon ng nasabing istasyon sa 2019, isang taon bago ang nasabing Olympic Games.
Layon ding paglinguran ng nasabing istasyon ang mga turistang gustong sumakay ng high speed train at umakyat sa Badaling Great Wall.
Ang istasyon na nasa konstruksyon. (Photo source: Xinhua)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |