Ipinahayag Biyernes, Setyembre 1, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na magkaloob ng kinakailangang pagkatig at tulong sa pamahalaang Pilipino sa pagbibigay-dagok sa terorismo. Kabilalang dito aniya ay aktibong pakikilahok sa rekonstruksyon ng Marawi pagkatapos ng digmaan.
Ani Hua, ang paglaban sa terorismo ay komong responsibilidad ng iba't-ibang bansa. Nananalig aniya siyang may kakayahan ang pamahalaang Pilipino na bigyang-wakas ang giyera laban sa terorismo sa lalong madaling panahon upang mapanumbalik ang mapayapa at tahimik na pamumuhay para sa mga mamamayan ng Marawi at Mindanao.
Salin: Li Feng