Ipinahayag ngayong araw, Setyembre 3, 2017 sa Xiamen, Fujian, Tsina ni Shi Yaobin, Pangalawang Ministro ng Pananalapi ng Tsina, na optimistiko siya sa kinabukasan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa).
Sinabi pa niyang ang patuloy na paglaki ng kabuhayan ng mga bansang BRICS ay nagmula sa kasalukuyang kalagayan ng kabuhayan, kabuuang bolyum ng pambansang kabuhayan, pangangailangan ng pamilihan, suplay ng lakas-manggagawa at pagtutulungan sa pagitan ng limang bansang BRICS.