|
||||||||
|
||
Xiamen, Tsina — Binuksan Lunes, Setyembre 4, 2017 ang Ika-9 na Brazil, Russia, India, China at South Africa (BRICS) Summit na pinanguluhan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Kalahok sa pulong ang mga lider mula sa mga kasaping bansa na kinabibilangan nina Pangulong Michel Temer ng Brazil, Pangulong Vladimir Putin ng Russia, Punong Ministro Narendra Modi ng India, at Pangulong Jacob Zuma ng South Africa.
Tinalakay nila ang hinggil sa kabuhayang pandaigdig, pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig, at iba pang maiinit na isyung panrehiyon at pandaigdig.
Sa summit, bumigkas si Pangulong Xi ng mahalagang talumpati kung saan lubos niyang pinapurihan ang maluningning na progresong natamo ng BRICS Cooperation nitong sampung (10) taong nakalipas. Ipinagdiinan din niya na dapat pasimulan ang ikalawang "Ginintuang Dekada" ng BRICS Cooperation para makinabang dito ang mga mamamayan ng limang bansa at buong daigdig.
Lubos namang pinapurihan ng mga kalahok na lider ang kanilang pagtatagpo sa Xiamen. Buong pagkakaisa nilang sinang-ayunang isakatuparan ang iba't-ibang natamong bunga at walang humpay na isulong ang BRICS Cooperation.
Ipinalabas sa summit ang Xiamen Declaration.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |