Sa seremonya ng pagbubukas ng BRICS Business Forum ngayong araw, Setyembre 3, 2017 sa Xiamen ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping na dapat lagumin ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) ang mga karanasan at itakda ang bagong target ng kooperasyon para walang humpay na pahigpitin ang mga kooperasyon.
Sinabi pa ni Xi na upang maigarantiya ang mainam na kooperasyon ng mga bansang BRICS sa hinaharap, dapat igiit ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay, win-win situation, at pagtutulungan.