Xiamen, Tsina—Binuksan Lunes, Setyembre 4, 2017 ang Ika-9 na Brazil, Russia, India, China at South Africa (BRICS) Summit. Kalahok sa pulong ang mga lider mula sa limang kasaping bansa na kinabibilangan nina Pangulong Michel Temer ng Brazil, Pangulong Vladimir Putin ng Russia, Punong Ministro Narendra Modi ng India, Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Jacob Zuma ng South Africa.
Tatalakayin nila ang hinggil sa kabuhayang pandaigdig, pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig, at iba pang maiinit na isyung panrehiyon at pandaigdig.
Nakatakda rin nilang pagtibayin ang Xiamen Declaration.
Bilang punong-abala, maraming beses na ipinahayag ng Tsina ang pag-asang matatamo ng pulong ang bunga sa pagpapasulong ng mga pragmatikong pagtutulungan sa pagitan ng mga kasaping bansa ng BRICS, at pagpapasulong ng mekanismo ng BRICS sa pamamagitan ng paghikayat sa pagsapi ng ibang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio