NAKUHA ng mga kawal ng pamahalaan ang Banggolo Bridge mula sa mga kamay ng mga Maute sa Marawi City. Isa umano itong senyal na malapit nang matapos ang mga sagupaan sa pook.
Aoyn kay Lt. General. Carlito Galvez, commanding general ng AFP - Western Mindanao Command, nabawi na nila ang mahalagang tulay kanina. Naganap ang mga sagupaan sa tulay sa unang dalawang linggo ng digmaan na ikinasawi ng maraming armado.
Idinagdag pa ni Galvez na mayroon pang mga 45 mga Maute na nasa lungsod. Gumagamit ang mga Maute sa ilalim ng magkapatid na Maute at mga Abu Sayyaf sa ilalim ni Isnilon Hapilon ng improvised explosive devices upang makatipid sa mga bala.