TUTOL ang Bagong Alyansang Makabayan sa balak ng Australia na aktibong lumahok sa mga military operations sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng alyansa na ang mga spy plane ng Australia ay kumikilos na sa Marawi. Namangha ang grupo sa pahayag ni Foreign Minister Julie Bishop noong nakalipas na Martes, ika-29 ng Agosto, na inaalok ng kanyang pamahalaan ang inaalok ang pamahalaan ang isang "Iraq level assistance" sa Marawi City.
Naniniwala si Minister Bishop na ang Marawi City ang bagong Raqqa, ang kapitolyo ng Islamic State in Syria. Ang alok na ito ay malayang tinanggap ng Malacanang. Kailangan umanong pag-isipan ito ng mga mamamayan lalo't nabanggit ang Iraq at Syria.
Mayroong 300 kawal na Australiano sa Iraq at may 80 commandos na sangkot sa pagsasalay, pagpapayo at pagtulong sa mga kawal ng pamahalaan. Binanggit na ni Director Peter Jennings ng Australian Strategic Policy Institute na tagumpay ang kanilang operasyon sa Iraq.