Sa Xiamen, Tsina—Idinaos dito Lunes, Setyembre 4, 2017 ang Diyalogo sa pagitan ng mga lider ng bansang BRICS at Business Council ng BRICS.
Sa diyalogong ito, iniulat ng kinatawan ng Business Council at New Development Bank ang mga gawain ng dalawang organisasyon.
Hinangaan ng mga lider ng bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) ang mga gawain ng naturang dalawang organisasyon. Umaasa rin silang gaganap ang naturang dalawang organisasyon ng mas malaking papel sa pagpapasulong ng kooperasyon at pag-unlad ng mga bansang BRICS.
Sa diyalogong ito, nilagdaan ng mga bansang BRICS ang 4 na kasunduan ng kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, inobasyon, adwana, at estratehikong kooperasyon sa pagitan ng nasabing dalawang organisasyon.