Ipinahayag Martes, Setyembre 5, 2017, sa Xiamen, Fujian, Tsina, ni Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand, na ang kooperasyong "BRICS Plus" ay mahalaga para sa pag-unlad ng mga Emerging Markets at umuunlad na bansa.
Sinabi niyang ang "BRICS Plus" ay bagong modelong nagpapakita ng komong hangarin ng mga umuunlad na bansa. Ito aniya ay gumaganap ng konstruktibong papel para pasulungin ang pagsangkot ng mga Emerging Markets at umuunlad na bansa sa pangangasiwa sa mga suliraning pangkabuhayan sa buong daigdig.
Sinabi pa niyang nakahanda ang Thailand, na buong sikap na pasulungin, kasama ng Tsina, ang balanseng kabuhayang pandaigdig na may pagbibigayan, at isakatuparan ang 2030 Agenda for Sustainable Development sa ilalim ng modelong "BRICS Plus."