Xiamen, Lalawigang Fujian ng Tsina—Martes, ika-5 ng Setyembre, 2017, nangulo at nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Dialogue of Emerging Market and Developing Countries. Binigyang-diin niyang dapat palakasin ng iba't ibang panig ang pagkakaisa at pagtutulungan, magkasamang itatag ang bukas na kabuhayang pandaigdig, magkasamang ipatupad ang 2030 Agenda for Sustainable Development, magkasamang samantalahin ang pagkakataong historikal ng pagsasaayos sa estruktura ng kabuhayang pandaigdig, magkasamang itatag ang malawakang partnership ng pag-unlad, likhain ang makatarungan, bukas, komprehensibo, at may inobasyong landas ng pag-unlad, at gawin ang mas malaking ambag para sa paglago ng kabuhayang pandaidig.
Kalahok sa diyalogo ang mga lider ng Brazil, Rusya, India, South Africa, Ehipto, Guinea, Mexico, Tajikistan at Thailand. Ang tema ng nasabing diyalogo ay "Pagpapalalim ng Kooperasyong May Mutuwal na Kapakinabangan, Pagpapasulong sa Komong Kaunlaran."
Salin: Vera