Nag-usap sa telepono Miyerkules, Setyembre 6, 2017, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi ang pananangan ng Tsina sa walang-nuklear na Korean Peninsula at pangangalaga sa pandaigdig na sistema ng di-pagpapalaganap ng mga sandatang nuklear. Inulit din ng pangulong Tsino ang paggigiit sa pagpapanatili ng katatagan ng peninsula at paglutas sa isyu sa pamamagitan ng diyalogo.
Ipinahayag naman ni Pangulong Trump ang pagpapahalaga sa ginagampanang papel ng Tsina sa isyung nuklear ng Korean Peninsula. Nakahanda aniya ang panig Amerikano na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina para maghanap ng kalutasan sa isyung ito sa lalong madaling panahon.
Salin: Jade
Pulido: Mac