Ayon sa Cheon Wa Dae Sabado, Setyembre 2, 2017, nag-usap sa telepono kagabi sina South Korean President Moon Jae-in at US President Donald Trump tungkol sa situwasyon ng Korean Peninsula.
Sa pag-uusap, inulit ni Pangulong Moon Jae-in ang kahalagahan ng pagpigil sa "probakasyon" mula sa North Korea sa pamamagitan ng pagpataw ng pinakamahigpit na sangsyon at presyur sa Hilagang Korea, at paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula sa mapayapang paraan.
Kinondena rin ni Moon Jae-in ang pagsubok-lipad ng Hilagang Korea ng missiles. Ito aniya ay lumalabag sa resolusyon ng United Nations (UN) Security Council at nagpapalala sa maigting na situwasyon ng rehiyon. Ipinahayag naman ni Trump na dapat ipadala ang malakas at malinaw na impormasyon sa North Korea.
Salin: Li Feng