Muling inulit dito sa Beijing Huwebes, Setyembre 7, 2017, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatag, malinaw at palagian ang paninindigan ng panig Tsino sa pagtutol sa pagdedeploy ng Estados Unidos ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system sa Timog Korea. Muling hinimok niya ang Amerika at Timog Korea na agarang itigil ang mga kinauukulang proseso.
Aniya, iniharap na ng panig Tsino sa panig Timog Koreano ang solemnang representasyon tungkol dito.
Salin: Vera