Huwebes ng umaga, ika-7 ng Setyembre, 2017, inihatid ng panig militar ng Estados Unidos at Timog Korea ang nalalabing 4 na launcher at mga kinauukulang materiyal ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system sa Seongju-gun, Gyeongsangbuk-do ng Timog Korea.
Ayon sa Ministri ng Depensa ng Timog Korea, hanggang ngayon, natapos na nila ng Amerika ang "pansamantalang" pagdedeploy ng THAAD sa Timog Korea. Anito, kung idedeploy o hindi ang THAAD sa wakas ay depende sa resulta ng pagtasa sa kapaligiran ng lahat ng mga lugar na may pagdedeploy ng THAAD. Pero nauna rito, sinabi ng opisyal ng panig Timog Koreano na ang plano sa pagtasa sa kapaligiran ay hindi nangangahulugan ng pagpapabulaan sa kapasiyahan ng alyansa ng Timog Korea at Amerika. Naglalayon itong pataasin ang pagiging lehitimo ng prosedyur nito sa loob ng bansa.
Mula noong Miyerkules ng gabi, nagtipun-tipon sa pook na may THAAD ang ilandaang mamamayang lokal at personaheng pamayapa, para pigilan ang pagpasok ng mga pasilidad ng THAAD. Ipinadala ng panig pulisya ng Timog Korea ang halos 8,000 pulis para paalisin ang mga demonstrador, at naganap ang matinding sagupaan sa pagitan ng kapuwa panig.
Salin: Vera