|
||||||||
|
||
Inulit ng Tsina ang kahilingan sa Estados Unidos at Timog Korea (ROK) na agarang itigil ang pagdedeploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system sa ROK.
Ito ay ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon Miyerkules, Setyembre 6, 2017 bilang tugon sa iniulat na posibleng pagdedeploy ng apat na THAAD launcher.
Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na ang nasabing aksyon ng Amerika at T. Korea ay hindi makakatulong sa pagtugon sa pagkabahala hinggil sa seguridad ng mga may kinalamang bansa. Sa halip, makakapinsala ito aniya sa rehiyonal na estratehikong balanse at makakasira sa interes na panseguridad ng mga bansa sa rehiyon na kinabibilangan ng Tsina. Bukod dito, magpapaigting din ito ng tensyon sa Korean Peninsula.
Muling hinimok ng tagapagsalitang Tsino ang Amerika at Timog Korea na pahalagahan ang interes na panseguridad ng mga bansa sa rehiyon at itigil ang deployment.
Nang araw ring iyon, nagpalitan ng kuru-kuro sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |