|
||||||||
|
||
Bandar Seri Begawan, Brunei—Ipinangako ng Tsina na palalakasin ang mga pragmatikong kooperasyong pangkalusugan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ito ang ipinahayag ng panig Tsino sa Ika-6 na Pulong ng mga Ministrong Pangkalusugan ng ASEAN at Tsina at Ika-7 Pulong ng mga Ministrong Pangkalusugan ng ASEAN+3 (Tsina, Hapon at Timog Korea) na idinaos Huwebes, Setyembre 7, 2017.
Sinabi ni Wang Hesheng, kalahok na Pangalawang Puno ng Komisyon ng Pambansang Kalusugan at Pagpaplano ng Pamilya ng Tsina, bilang mahalagang magkapartner sa sektor ng kalusugang pampubliko, walang humpay na lumalalim ang pagtutulungan ng dalawang panig sapul noong 2003. Ani pa Wang, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang pakikipagtulungan sa ASAEN, Hapon at Timog Korea sa larangan ng kalusugang pampubliko, telemedicine, disaster health response at iba pa.
Dalawang Magkasanib na Pahayag ang ipinalabas sa nasabing dalawang pulong, kung saan nanawagan sa mga kasapi na magkakasamang tugunan ang mga hamong pangkalusugan sa pamamagitan ng komprehensibong pagtutulungan.
Group photo ng mga kalahok sa Ika-7 Pulong ng mga Ministrong Pangkalusugan ng ASEAN+3 (China, Japan, the Republic of Korea) sa Bandar Seri Begawan, Brunei, Sept. 7, 2017. (Xinhua/Jeffrey Wong)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |