|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ng mga pamahalaan ng Micronesia, Brunei, at Cambodia, bumiyahe si Wang Jiarui, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa nasabing tatlong bansa mula Agosto 31 hanggang Setyembre 3, 2017.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa Sultan ng Brunei, sinabi ni Wang na winiwelkam ng panig Tsino ang pagdalaw ng Sultan sa Tsina at pagdalo sa China-ASEAN Expo (CAExpo). Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Brunei upang mapalawak ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan, at mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga lider Kambodyano, sinabi ni Wang na kinakatigan ng panig Tsino ang pagtahak ng Cambodia sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayang pang-estado. Nakahanda aniya ang Tsina na palalimin kasama ng Cambodia, ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan, palakasin ang estratehikong pagtutulungan para makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Sa kanya namang pakikipagkita sa lider ng Micronesia, ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina na walang humpay na pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |