Ipinahayag Miyerkules, Marso 15, 2017 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na kung ikukumpara sa ilang nagdaang taon, di-mababa at di-madaling matamo ang 6.5% na bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong 2017. Ito aniya ay angkop sa economic rule, at hindi maliit ang naibigay nitong ambag para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Kaugnay ng isyu ng panganib na pinansiyal ng Tsina na nakakatawag ng malaking pansin ng ibang bansa, ipinagdiinan ng Premyer Tsino na naging ligtas sa kabuuan ang sistemang pinansyal ng Tsina. Hindi mangyayari ang sistematikong panganib sa pinansiya ng bansa, aniya pa.
Salin: Li Feng