Kasama ng Kawanihan ng Pinansiya ng Beijing, itinatag kamakailan sa unang pagkakataon, ng Beijing Municipal Education Commission ang proyekto ng national talent training base para sa "Belt and Road" Initiative. Sa loob ng darating na tatlong taon, di-kukulangin sa 30 ganitong base ang itatatag upang mahikayat ang mahigit 900 postgraduate, doctor of philosophy, post-doctor, at mahigit 1,800 matataas na mananaliksik na magkaroon ng pag-aaral at pagpapalitan sa Beijing.
Layon ng pagtatatag ng nasabing proyekto na hikayatin ang mas maraming talento mula sa mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" na pag-aaral sa Beijing; sanayin ang mas maraming kinakailangang talento para sa nasabing mga bansa at Beijing; pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng Beijing at mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road;" palalimin ang pragmatikong bilateral at multilateral na kooperasyon at konektibidad ng dalawang panig sa aspekto ng edukasyon; at palalimin ang pag-uunawaan at pagkaka-intindihan ng dalawang panig. Ito rin ay inaasahang makapagbibigay ng komprehensibong serbisyo sa konstruksyon ng "Belt and Road."
Ang Peking University, Tsinghua University, Renmin University of China, Beijing Normal University, at iba pa, ay nasa nasabing listahan.
Salin: Li Feng