Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Sinabi Lunes, Setyembre 11, 2017, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministring Komersyal ng Tsina, na gaganapin sa Nanning ang Ika-14 na China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) mula ika-12 hanggang ika-15 ng kasalukuyang buwan. Ipapakita aniya ng gaganaping ekspo ang lubos na pangangailagan ng dalawang panig sa pagpapalakas ng pagtutulungan at magkakasamang pagtatatag ng Maritime Silk Road sa ika-21 siglo.
Ayon kay Gao, dadalo sa pagtitipon sina Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina, Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, Pangalawang Punong Ministro Truong Hoa Binh ng Biyetnam, Pangalawang Punong Ministro Sonexay Siphandone ng Laos. Bukod dito, dadalo rin dito si Ackar Mamin, unang Pangalawang Punong Ministro ng Kazakhstan na magiging unang dayuhang lider sa labas ng ASEAN na dadalo sa CAExpo.
Salin: Li Feng