Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina — Idinaos Martes, Setyembre 12, 2017, ang Ika-7 Porum ng Pagtutulungan at Pag-unlad ng Proyekto ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Ika-4 na Simposyum ng Network Information Safety ng Tsina at ASEAN. Pinalakas dito ng mga eksperto ng mga bansang ASEAN ang kanilang pagpapalitan at pagkakasundo, at inaasahan din nilang mapapalakas ng Tsina at AESEAN ang kanilang kooperasyon sa network information safety.
Ipinahayag ni Chen Jian, Puno ng China Center for International Science and Technology Exchange (CISTE), na sa ilalim ng inisyatiba ng "Belt and Road," nagtatampok ang Tsina at ASEAN sa kooperasyon ng mga proyekto at seguridad ng impormasyon kung saan magiging mas malawak ang prospek ng pag-unlad. Nakahanda aniya ang CISTE na pasulungin ang kaukulang pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN upang mapasigla ang kani-kanilang pag-unlad.
Salin: Li Feng