|
||||||||
|
||
Ipinahayag sa Beijing kahapon, Hulyo 27, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sumusulong ang relasyong Sino-ASEAN sa yugto ng mahusay na panahon.
Ani Lu, sa mula't mula pa'y pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyong Sino-ASEAN, at palagian nitong itinuturing ang ASEAN bilang preperensyal na direksyon ng diplomasyang pangkapit ng bansa.
Sinabi niya na ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, at sa susunod na taon ay sasalubungin ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng dalawang panig. Sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap, nananatiling malusog at matatag ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |