Isiniwalat kamakailan ni Wang Lei, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng China-ASEAN Expo (CAExpo), na sa gaganaping Ika-14 CAExpo mula Setyembre 12 hanggang 15, palalawakin ang saklaw ng pabilyong agrikultural upang komprehensibong idispley ang natamong bunga ng kooperasyong Sino-ASEAN sa larangang agrikultural at ipagkaloob ang plataporma sa malalimang pag-unlad ng kooperasyong ito.
Nitong mga taong nakalipas, walang tigil ang kooperasyong Sino-ASEAN sa agrikultura, unti-unting umi-init ang kalakalan ng dalawang bansa sa mga produktong agrikultural, at madalas ang kanilang pagpapalitan sa teknolohiyang agrikultural. Lumitaw na ang "virtuous circle" sa nasabing kooperasyon ng dalawang panig, dagdag pa ni Wang.
Sinabi naman ni Michael Kelly Pe Tiulim, Presidente ng Communication Commission ng Zamboanga, na sa kasalukuyan, mainam ang kapaligiran ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina. Aniya, sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, tiyak na ibayo pang susulong ang kalakalan ng mga produktong agrikultural upang pataasin ang kita ng mga magsasakang Pilipino at mabawasan ang mga mahirap na populasyon sa bansa.
Salin: Li Feng