|
||||||||
|
||
Idinaos Martes, Setyembre 12, 2017, sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, ang Diyalogo ng mga Opisyal ng Edukasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Tinalakay at pinagtibay ng iba't-ibang panig ang "Nanning Declaration" tungkol sa kooperasyong Sino-ASEAN sa vocational education kung saan inisyal silang nagkasundo sa pagtatatag ng komunidad ng pag-unlad ng edukasyong bokasyonal ng Tsina at ASEAN at magkakasamang pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN).
Sa nasabing diyalogo, lubos na interesado ang mga kinatawan mula sa mga bansang ASEAN gaya ng Indonesia, Thailand, at Biyetnam sa pagsasagawa ng pandaigdigang kooperasyon sa edukasyong bokasyonal.
Sinabi ng kinatawang Indones na kailangang walang humpay na palakasin ang kooperasyong pandaigdig sa edukasyong bokasyonal. Nakahanda aniya ang Indonesia na magsikap kasama ng Tsina at mga bansang ASEAN upang resolbahin ang mga problema sa usaping ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |