|
||||||||
|
||
Sa nakalipas na 13 taong pagdaraos ng China-ASEAN Expo (CAExpo) naipamalas ang paglalim ng relasyong pulitikal at ang kooperasyong pang-ekonomiko ay patuloy na sumusulong at nagkamit ng maraming mga bunga, ito ang ipinahayag ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina sa news briefing kaugnay ng Ika-14 na CAExpo sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, Lunes, Setyembre 11, 2017.
Ibinahagi din niyang sa loob ng magkakasunod na walong taon, ang Tsina ay naging pinakamalaking trading partner ng ASEAN. Sa taong 2016 ang halaga ng bilateral trade volume ay umabot sa US$ 452.2 bilyon. Ngayong taon mula Enero hanggang Hulyo ang bilateral na trade volume ay umabot sa US$277 bilyon. Tumaas ito ng 14.5% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Sa loob ng nakaraang dekada, ani pa ni Gao, ang ASEAN ay naging pinakamabilis na lugar para sa Foreign Direct Investment na lumampas sa US$185 bilyon.
Binigyang halaga din ng Tsina sabi ni Gao ang konektibidad kaya isunulong ng bansa ang mga proyektong pang-imprastruktura sa mga bansang ASEAN.
Sa Ika-14 na China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) mula ika-12 hanggang ika-15 ng Setyembre, isusulong ang pagtatatag ng pinalawig na bersyon ng China- ASEAN Free Trade Area (CAFTA) sa pamamagitan ng temang Maritime Silk Road sa ika-21 siglo at pagsusulong ng integrasyong ekonomiko sa rehiyon sa pamamagitan ng turismo.
Ngayong taon, magsisimula ang ikalawang round ng pagpapatupad ng mekanismo ng Country of Honor. Muling magiging Country of Honor ang Brunei Darussalam. Samantala upang makasali ang mga bansa sa kahabaan ng Silk Road, ang Kazakhstan ay inanyayahan upang maging CAEXPO Special Partner.
Ulat at larawan: Mac Ramos
Web-editor: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |